Lumalalang kaso ng HIV sa bansa

Lumalalang kaso ng HIV sa bansa
                                           Ano nga ba ang HIV? Para sa mga taong hindi mula sa sakit na ito ang Human Immune Defficiency o mas kilala bilang HIV ay isang viruses na maaring makapatay o makapinsala ng kalusugan ng isang taong tinamaan ng sakit na ito masasabing hindi ito pangkaraniwang sakit dahil sa mabilisang pagkalat nito sa taong tinamaan ng viruses na nasabi lalo’t higit ay sa mga taong madalas makipagtalik sa hindi lubos na kakilala.
                                      Sa isinasagawa ng Department of health (DOH) maraming kabataang Pinoy ang nagkaroon ng Human Immuno Deficiency Virus o HIV sa sarbey ng DOH, naitala na nasa 986 ang bilang ng may HIV sa buwan ng Marso ngayon taon 2017. 36 pursento ang mas malaki kung para noong nakaraang taong. Ang pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region na mayroong 309 at sinundan ng 135 na kaso mula sa mga Rehiyon ng Calabarzon 107 ang naitala sa Rehiyon 3, 76 sa Rehiyon 7, 52 sa Rehiyon 2 at ang kabuuang kaso sa iba’t – ibang bahagi ng bansaay umaabot ng 289. Karamihan ng resulta ng kaso ay ang pakikipagtalik sa magkaparehong Kasarian, mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at paghawa ng HIV positive na ina sa kanyang anak.
                                 Sinasabi nagmula ang HIV sa mga unggoy at maaaring makuha sa paghawak ng kagamitan sa banyo, pagdikit sa may sakit nito. Paghiram ng damit, pakikisalo sa pagkain at mga pag gamit ng kutsara. Ito ay pinangdidirihan at kinakatakutan subalit sa mga taong walang sapat na kaalaman. Ito’y nakukuha sa pakikipagtalik na kung saan mabilis itong kumalat at madaling maipasa sa isang tao. Isa sa mga kadahilanan ng pagkakaroon ng HIV ay ang pakikipagtalik sa kapwa na mag katulad ang kasarian at hindi pag gamit ng proteksyon. Sa heringgilyang ginagamit sa pagpapatattoo o pag iinjiksiyon. Sa pagsasalin ng dugo mula sa HIV – positive naiisalin ng ina sa anak sa kapanahunan ng kanyang pag bubuntis o sa pagpapasuso. May posibilidad din itong makuha sa laway. Ang mabisang paraan para maiwasan ang HIV ay huwag makipagtalik sa hindi mo asawa at gumamit ng proteksyon o condom. Mabuting alamin kung ang inyong partner ay walang sakit na HIV.  Palatandaan kung ang tao ay may HIV ay palaging nagkakasakit, may trangkaso, pagkakaroon ng kulane o kaya’y may pamamantal sa balat at nagsusugat na hindi agad medaling matanggal. Ang HIV ay nag papahina sa Immune System o resistensya ng isang tao. Sa paghina ng immune ng isang tao ay malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng tinatawag na AIDS. Pinapatay  ng HIV ang mga selulang resposale sa paglaban at pagpatay sa mga impeksiyon sa katawan habang ito’y lumalala ang kakayahan ng inyong katawan na labanan ang mga impeksiyon ay humihina at may nanganganib namag karoon ng napakaraming uri ng sakit na dalang impeksiyon. Ang pagkakaroon ng isang AIDS ay kadalasang nadidiskubre dahil sa pagkakaroon ng isa o higit pang sakit na dala ng impeksiyon tulad ng isang pulmonya.


                                     Ayon sa tulong ng Department of Health mas kailangan pang pagtuunan ng pansin ang mga taong may HIV upang mas maagapan ang sakit at mapatingnan o mapasuri sa mga pribadong ospital. Upang maigyan ng sapat na gamot ang kanilang sakit. Mahikayat ang mga kabataan at matatanda na ang pakikipagtalik ay hindi bisyo at sa gayon ay maiwasan ang bilang ng kaso ng HIV sa bansa.                   

Mga Komento

  1. Graton Casino & Spa - Las Vegas, NV - MapYRO
    Get directions, 인천광역 출장마사지 reviews and information for Graton Casino 양산 출장샵 & Spa in Las Vegas, NV. Mapysro 충주 출장마사지 has 14 properties 포항 출장마사지 in 3,600 sq ft. and their location is 3.5 당진 출장마사지

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento